P266 BILYONG PAUTANG PARA SA KOTSE’T MOTOR PERO PARA SA EDUKASYON P33.75 BILYON LANG

10 April 2018 | news release

 

Hindi sapat ang tuition at iba pang school fees para mapondohan ang paglago ng edukasyon sa bansa, ayon kay Iligan City Congressman Frederick Siao. Mas malaki pa nga ang pautang ng mga bangko para makabili ng mga motorsiklo at kotse ang mga Pilipino.

“Kailangan ng abot-kayang pautang mula sa mga bangko para matulungan ang mga ang mga pribadong paaralan, lalo na sa mga probinsiya.”

Napansin ni Rep. Siao na tila hindi prayoridad ng mga bangko ang magpautang sa mga pribadong paaralan dahil mas mababa pa sa isang porsyento ng lahat ng kanilang loans napunta sa education sector.

“Halos pitong trilyong pisong ipinautang ng mga bangko noong 2017. Wala pang 0.6 percent niyan ang loans to education sector,” ani Rep. Siao.

Indikasyon iyan ng mababang prayoridad ng banking sector sa edukasyon.

 

“Last January, loans to educational institutions amounted to P32.8 billion. That same month, motor vehicle loans summed up to P262.8 billion. Preliminary figures for February 2018 show bank loans to education at P33.75 billion. Compare that to the car and motorcycle loans total of P266 billion,”

Mungkahi ni Rep. Siao sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Development Bank of the Philippines na magbalangkas at magpatupad ng mga patakaran para dumami ang loans ng mga bangko sa mga eskuwelahan, lalo na mga kolehiyo at pamantasan.

“The Department of Finance can also help by sourcing foreign grants for public and private schools. For huge capital outlays, education bonds may be the proper solution. Private banks must also carry their just share of the burden to improve the quality of education in our country by giving more loans to elementary schools, high schools, colleges, and graduate schools,” ani Rep. Siao.  (WAKAS)

 

REFERENCES:

http://www.bsp.gov.ph/publications/tables/2018_03/news-03282018b1.htm  http://www.bsp.gov.ph/banking/pbs_excel/5.xls 

Leave a Reply