MINDANAO SOLON: DISKARTENG WIN-WIN SOLUTION NI DIGONG SA SOUTH CHINA SEA DAPAT SUPORTAHAN

14 November 2017 | news release

 

Nagpahayag ng suporta si Iligan Lone District Congressman Frederick Siao sa “non-confrontational strategy” ni Pangulong Rodrigo Duterte para makakuha ng pagkakasundo sa ASEAN Code of Conduct sa isyu ng sigalot sa South China Sea.

“Di gaya ng mga kritiko na puro batikos at haka-haka lamang ngunit walang namang access sa mga classified intelligence hinggil sa mga tunay na taya sa South China Sea at sa galaw ng China at ng iba pang claimants, batid ni Pangulong Duterte ang tunay na sitwasyon sa ASEAN region,” paliwanag ni Siao.

“Bilib ako sa political skills, negotiation abilities, at personal rapport ni Pangulo Duterte sa mga heads of state ng ASEAN kabilang na sa lider ng China,” pagtatanggol ni Siao sa Pangulo.

Sa pananaw ni Siao, “layunin ng Pangulong Duterte na makamit ang diplomatikong win-win solution sa pag-ayos ng gusot sa South China Sea, imbes na winner-takes-all na tindig na gustong mangyari ng mga kritiko.”

“Ang pagkuha ng loob at tiwala ng mga bansa ang tunay na pangmatagalang solusyon sa South China Sea dispute. Di ito nangyayari nang agaran. It takes time,” wika ni Siao.

Si Siao ay kasapi ng Committee on the East ASEAN Growth Area, Committee on Economic Affairs, at Committee on Mindanao Affairs sa Kamara. (WAKAS)

 

REFERENCES:
https://www.rappler.com/nation/187962-duterte-xi-code-conduct-south-china-sea-militarization
https://news.mb.com.ph/2017/11/13/ph-china-coast-guards-agree-to-communicate-coordinate-better/

 

Leave a Reply