CHED, KINALAMPAG HINGGIL SA UNRELEASED ALLOWANCES NG CHED K-12 TRANSITION PROGRAM SCHOLARS

14 December 2017 | news release

 

Tinawag ni Iligan City Congressman Frederick Siao ang pansin ng Commission on Higher Education nitong Huwebes sa nauna nang reklamo hinggil sa labis na pagkaantala ng mga allowance at buwanang ayuda ng CHED sa ilang gurong kolehiyo mula sa Iligan City.

Nag-aaral sa UP Diliman ngayon ang sampung na college faculty habang ang 14 ay sa De La Salle University naman. Hirap sila ngayon dahil ang ipinangako ng CHED ay ilang buwan nang napapako dahil sa mga isyu ukol sa proseso ng K to 12 Transition program.

Isa sa mga teacher-beneficiary ay nagreklamo na sa presidential complaint center ng Malacañang habang ang iba ay dumulog na sa Chancellor ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology.

“Para patas naman tayo sa CHED, binigyan nati sila ng kopya ng aking pahayag at panawagan na ayusin ang gusot sa kanilang sistema. May kutob akong hindi lamang itong mga nakarating sa akin na reklamo ang apektado ng problema,” sambit ni Siao.

Dagdag ni Siao na, “dapat agaran nang ibigay ang pondo sa mga faculty na apektado ng K to 12 transition at sundan agad ng pagsisiyasat sa kung paano nangyari at sino dapat ang managot.” (WAKAS)

 

References:

ABS-CBN NEWS TV PATROL https://goo.gl/T3ra1T

ABS-CBN NEWS BANDILA https://goo.gl/c2pqVb

 

Leave a Reply